Kasama sa listahan ng mga itinuturing “limot na bayani" si Senador Jose Ozamis na pinugutan ng ulo ng mga Hapon sa Manila North Cemetery sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas mula 1941 hanggang 1944.
Mula sa kilalang angkan si Ozamis na isinilang sa Misamis Occidental noong May 5, 1898. Siya ang panganay at nag-iisang anak na lalaki sa sampung anak nina Jenaro Ozamiz at Basilisa Fortich.
Nagtapos sa Ateneo de Manila si Ozamis sa kursong Bachelor of Arts noong 1916. Kasunod nito ay kumuha siya ng abogasya at pumasa sa bar exam noong 1921. Nagpakadalubhasa siya sa abogasya nang kumuha ng Master of Law degree sa Columbia University sa New York, USA.
Ngunit bago nahalal na senador noong 1941, si Ozamis ay naging unang gobernor ng Misamis Occidental mula 1929 hanggang 1931. Dalawa ulit naging kinatawan sa lehislatura mula 1931 hanggang 1934 at mula 1934 hanggang 1935.
Naging delegado rin siya sa Constitutional Convention mula 1934 hanggang 1935. At nagsilbing assemblyman ng dalawang magkasunod na termino mula 1935 hanggang 1938 at mula 1938 hanggang 1941.
Bagaman nahalal na senador noong 1941 elections, hindi nagampanan ni Ozamis ang kanyang posisyon dahil sa pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Sa halip, tinanggap niya ang alok ng pamahalaan ng Hapon na maging pinuno ng Games and Amusement Board.
Lingid sa kaalaman ng mga Hapon, may sekretong ugnayan si Ozamis sa mga guerilla at mayroon basbas ng kilusan ang pagtanggap niya ng pwesto upang hindi siya paghinalaan ng mga mananakop.
Pebrero 1944 nang hulihin ng mga Hapon si Ozamis sa kanilang bahay sa Maynila matapos ituro ng “makapili" na nakikipagtulungan siya sa mga guerilla. Nataon ang araw ng kanyang pagdakip sa kaarawan ng kanya kabiyak.
Ipiniit si Ozamis sa Intramuros at sa sumunod na buwan ay nagulat na lamang ang kanyang pamilya nang mabalitaan nila na pinugutan na ito ng ulo sa Manila North Cemetery.
Inabot pa ng dalawang taon bago natagpuan ng kanyang pamilya ang mga labi ni Ozamis kasama ng iba pang Filipino na pinugutan ng ulo. Tanging bungo na lamang ni Ozamis ang nakuha ng pamilya na nakilala sa pamamagitan ng kanyang dental record. Ang ibang bahagi ng kanyang katawan o buto ay nakahalo sa iba pang mga labi mga Filipinong pinaslang.
Bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan, isang bayan sa Misamis ang ipinangalan kay Ozamis.

No comments:
Post a Comment