ChatBox

Friday, August 1, 2014

MALIGAYANG ARAW NG MARTIAL LAW!!!!!


Bakit nga ba Nagdeklara ng Basta Militar ang Pangulong Ferdinand Marcos? 

Ang mga komunistang Tsino ay nag-umpisang pumasok sa bansa at humihikayat ng mga Pilipino para sumapi sa pinaglalaban nilang adhikain. Ang partidong Komunista sa Pilipinas ay nagingmas lalong Aktibo at naglungsad ng malawakang kaguluhan sa maralitang taga-nayon at taga-lungsod. Naging Aktibo din ang mga mag-aaral sa Unibersidad na nagsasagawa din ng malaking kaguluhan sa lungsod. Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang kilusan ng mga Muslim ay dumagsa na rin.
Bilang Pangulo kailangan tayong maproteksyonan ng pinakamataas na pinuno ng bansa. Ang Pangulong Marcos ay sumusunod lang sa alituntunin ng Saligang Batas at naayon sa Konstitusyon.
Dahil sa lumalalang suliranin ng Kapayapaan at kaayusan sa bansa, Isinailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos ang buong bansa sa "Batas Militar o Martial Law" sa bisa ng proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972.

Ipinaliwanag pa ni pangulong Marcos na kinakailangan ang Batas Militar upang bigyang proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kalaban ng mamamayan tulad ng mga kumunistang CCP-NPA at PKP-HMB, Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanya, kinakailangan ng bansa ng malakas na pwersa upang matugunan ang hamon ng mga kaaway at maprotektahan ang bansa.

Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan.

Binale-wala ng mga kritiko ni Pangulong Marcos ang kanyang mga binanggit na kadahilanan. Ayon sa kanilang paniniwala, ang pagdeklara niya ng Batas Militar ay isa lamang daan upang mapahaba ang kanyang pananatili sa posisyon. Dagdag pa ng mga kritiko, malaki ang takot ni Marcos sa hahalili sa kanya sa Malacanang. Isa na rito si Senador Benigno Aquino Jr., ang kanyang pangunahing kalaban sa pulitika, at tinatayang siyang may malaking pag-asa sa posisyon ng pagkapangulo. 

Mas maraming Mamamayan lalo ang maralita ang Natuwa at gumaan ang pamumuhay noong Panahon ng Martial Law. Ang mga hindi natuwa at nadismaya ay ang mga Mayayamang Businessman at kalaban sa politika. 

No comments:

Post a Comment